Tuesday, November 8, 2016

Security, ethics and emerging technologies

Marlon Guillermo
Filipino Major 


       Sa ating panahon ngayon ay hindi maikakailang marami na ring pagbabago sa ating mundo lalong lalo sa teknilohiya na ating ginagamit.Dati ang mga teknolohiya lamang sa karaniwang tao ay hulo lamang na maituturing ngunit sa panahon ngayon ay isa na itong pangangailangan. Kaakibat nito ang samutsaring mga masamang dulot ng mga ito.
      Sa pag-usbong ng teknolohiya ay nakatutulong upang mapagaan ang ating mga gawain , sagot na gamut sa mga sakit at marami pang iba. Isa pang kagandahan ng mga ito ay napapdali an gating pakikipagkomunikasyon sa ating mahal sa buhay na malayo sa atin.Kaya naman masasabi kong maganda ang naitutulong mga mga ito sa ating buhay.
      Ito lamang nakaraang halaan may nabaliataan nating na napos ng mga hake rang website ng Comission on Election at lahat ng impormasyon ay kanilang nakuha maging ang mga personal na detalye ng mga botante. Ito ay sadyang nakababahala at nakakaalarma sa kadahilang maaring magamit ito bilang personal na interest. Maaring pagkakitaan sa gawaing masama.Madaling napasok ng mga haker dahil sa kakulangan ng seguridad o “security” .Kailangang protektahan ang seguridad  ng mga tao ang gobyerno responsibilidad nilang lagyang ng mahigpit sa seguridad ang kanilang website sa ganitong pagkakataon.Dahil ditto ay umusbong noong nakaraang halalan at naapektohan ang kredibilidad ng halalan.Lalo pang nadagdagan nang paliatan ng smartmatik ang code ng program ng mga makina nila at sinasabing hinak nila ito.Ginawa ng staf ito ng walang paalam sa COMELEC dahil sa kawalan ng tinatawag na “security.Dahil nanaman ditto ay naapaktuhan ang moral ng tao o ang tinatawag nilang ethics.Nagkakaroong ng siraang na sinasabi nilang mandaraya ang kalaban.Pinapakita lamang na ang ganitong sitwasyon na ang teknolohiya ay hindi nakakatulong kung minsan sa halip ay nakakasira sa kapwa tao.Oo pat napapadali ang mga trabaho ngunit maari namang maapektuhan ang asal ng tao.
     Marami na ring napanood sa mga baliata, nabasa sa nga pahayagan at naririnig na ginagamit ang internet at teknolohiya sa pagpapalaganap ng pornography at ang kakimitang biktima ay mga bata.Nasisisra ang kanilang kinabukasan at ang kanilang moralidad bilang tao.Ito ay dahil sa kakulangan ng security sa internet kung baga ay limitado at Malaya mong gawin ano man ang iyong nais.
        Malaya tayong magpahayag ng damdamin,saloobin at anu mang iyong nais sa pamamagitan ng teknolohiya at internet bastat hindi natin naapakan ang karapatan ng ibang tao.Hindi nayuyurakan ang kanilang moralidad at hindi natin nalalabag ang batas ng tao at batas ng diyos.Maari ring pagkakitaan ang mga makabagong teknolohiya upang mapabuti ang ating kalagayan sa buhay at upang mapaunlad an gating ekonomiya sa ating bansa bastat sa mabuting paraan.Gaya na lamang tungkol sa negosyo at pakikipagtransaksiyon at pwede ring magturo online ngunit lagi nating isaisip ang mga limitasyon atang hindi natin dapat gawin .
       Huwag sana tayong daragdag sa suliranin n gating bansa sa pagsugpo sa krimen at makadaragdad tayo ng sakit ng ulo n gating gobyerno.Maraming tao ang may mga gawaing masama sa pamamagitan ng teknolohiya at internet ngunit sana ay maging mapagmatyag tayo. Huwag tayong paalipin sa kinang ng pera at sa matatmis nilang mga salita.Magising tayo sa katotohanan, kung may mga ganitong mga gawaing nalalaman ay huwag mag-atubiling ibagbigay sa kinauukulan o sa mga awtoridad upang masugpo agad ang mga ganitong mga gawain ng mga masasamang tao at mapatawan ng kaukulang parusa.
      Sa lawak ng mundo at sa dami ng gumagamit ng makabagong teknolohiya at masasabing mahirap kontrolin ang mga tao sa paggamit ngunit magagawa o masusugpo ito sa simpleng pamamaraan.Halimbawa na lamang sa ating paaralan tulad nating mga guro ay kaya nating makontrol ang mga estudyante sa paggamit ng teknolohiya sa pamamagitan ng huwag paggamit ng kanilang mga cellphone kapag nagsimiula na ang talakasan sa loob ng paaralan.Maging sa simbahan ay maari ring limitahan ang paggamit ng teknolohiya sa simpleng pagpatay n gating cellphone kapag ang misa ay nagsimula na.Simpleng mga bagay ngunit malaki ang naitutulong.
      
      Sa paggamit ng mga teknolohiyang ito ay may masasamang dulot. Gaano nga ba kaligtas gumamit ng mga teknolohiya. Marami nga tayong nababalitaan ngayon na mga taong kung tawagin ay mga hacker kayat masasbi kong hindi gaanong kaligtas ang mga na ginagamit natin lalong lalo na sa pampersonal na mga bagay gaya ng personal na pagkakakilanlan, bank account at mga maseselang parte ng katawan na pwedeng gawing pagkakitaan ng mga taong masasama ag loob.
      Isa sa pangunahing naapektuhan ay ang tuntunin ng moralidad ng tao o “ethics” dahil sa mga masamang dulot ng mga teknolohiya ay nawalan na tayo ng pagpapahalaga sa dangal, moralidad, paggalang at mabubuting mga asal. Ng dahil dito ay maraming tao ang nag-aaway at hindi nagkakaunawaan.
     Kayat sa atin na kapwa ko gumagamit ng social media at ibat-ibang teknolohiya hindi masama ang paggamit nito bastat hindi natin ito inaabuso at ginagamit sa maling pamamaraan.Gamitin sana ito sa ikauunlad ng ating bansa.
Maganda ang dulot ng mga teknolohiya kung ito ay ginagamit ng tama sa pag-aaral, pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon sa business at ibat ibang mabubuting dulot ng mga ito.Ang moralidad ng tao ay isang mahalagang sangkap sa paghubog ng isang tao kayat kanyang karapatan na ito ay alagaan at ipagtanggol sa sinumang umaabuso at lumalabag sa kanyang karapatan.

      
Copyright and Plagiarism


      marlon guillermo
     filipino major
                                              Mapagmatyag

Isa sa madalas ng gawin ng mga mag-aaral na kamalian ay  pangongopya ng mga nalimbag na mga sulatin at inanaangkin ito at ginagawang pagmamay-ari. Hindi batid ng mga mag-aaral ang mabigat na kaparusahan ang gawaing ito.Isa pa sa linalabag ng mga mag-aaral at pati na rin ang mga ibang tao ay at paggamit ng mga nalimbag na mga sulatin na walang paalam sa may akda.
       Dapat ay magkaroon o maituro sa mga mag-aaral ang responsableng paggamit ng mga nalimbag na mga akda at paggalang sa mga awtor Ang mga guro ay may responsable sa mga maling gawaing ito.Sila ang dapat ang nagwawasto, at nagsusuri sa mga gawain ng mga bawat mag-aaral.Dapat na tiyakin ng guro na totoong ginawa ng mag-aaral ang ibinigay na gawain at hindi kinopya lamang sa libro at internet at walang acknowledge sa awtor
    Misan ngay may naikwento  sa amin n gaming an gaming guro na isang mag-aaral sa University of the Philippines ,nagtapos siya ng may karangalan na Magna Cumlaude sa kanilang pagtatapos.Later  on ay natuklasan nila sa kanyang Thesis na may inangkin siyang pangugusap na hindi inoknoledge ang awtor.Lumalabas sa pagsisisyasat ng pamantasan na kinopya niya ito o Plagiarism niya ito.Bilang hatol ay bnawi ng pamantasan ang kanyang karangalan. Hindi bat nakakahiya at nakalulungkot ang gawaing ito .dahil sa iresponsableng paggamit ng mga sulatin at nalimbag na mga akda o pagaangkin kaakibat naman nito ang mabigat na kaparusahan.Lalong lalo kapag itoy ililimbag at makikita ng mga tao o di kaya naman ay mababasa.Sa pagkakataong ito ay kinakailangan ng masusing pag-iingat sa paggamit ng mga akda.
     Ito lamang nakaraang araw ay nabalitaan namang may printing press na nahuli ng mga pulis a lungsod ng Maynila na nagproproduce ng mga libro sa law na tanging ang Rex publishing house lamang ang otorisadong magproduce nito.Kinumpiska nila ang lahat ng kagamitan ng pagmamay-ari ng may-ari . depensa ng may-ari ng printing press dati na nila itong ginagawa o matagal na. Wala raw silang nakikitang mali rito at ginagawa nila ito dahil sa kawalan ng trabaho at pagkakakitaan sa Pilipinas.Dahil ditto at kinasuhan ang may-ari ng hindi otorisadong pagrereproduce ng mga libro.Akoy lubos na nalulungkod dahil dito sa kagahilanang matagal na pala nila itong ginagawa ay ngayon lamang natuklasan at natuklasan lamang ito sa pamamagitang ng mga concern citizen na nagsumbong sa mga awtoridad.Masasabing walang pangil ang batas pagdating sa mga ganitong paglabag sa batas.
        Maging sa ating paaralan ay nagyayari ang ganito.Ang mga guro at mga estudyante ang karaniwang lumalapag ditto.Ngunit may mga dahilan naman gaya na lamang ng kakulangan sa mga libro at kawalan ng maraming resources at ang tanging paraan na lamang upang maparami ay ang pag-photocopy sa mga libro upang mapabilis ang talakayan o kaya naman an gating pag-aaral.Ngunit sapat nga bang dahilan ito? Sa aking palagay ay sapat sapagkat talaga nga namang nagkukulang tayo ng Educational materials na pinagkakaloob n gating gobyerno  at isa pay ay upang makatipid na rin sa ating bulsa at ito naman ay nakakatulong sa ating pag-aaral at maliban na lamang kung ito ay ginagawang p-agkakakitaan ng iba.Dito na nalalabag ang copyright at nagagawa na nating ang tinatawag nating plagiarism.
        Paano mg aba maiiwasas ang ganitong pang-aabuso sa mga nalimbag na mga babasahin o mga document? Unang una kapag ito ay ginamit kailangang  pansari lamang ito at hindi gagamitin sa pampublikong talakayan. Kung gagamitin ito sa pambublikong talakayan ay kinakailangang magpaalam sa awtor to di kaya naman ay ilagay sa hulian o biblyograpiya kung saan mo nakita o kinuha ang mga references na iyong pinagkunan sa iyong talakayan.Huwag gawing bussines kapag walang paalam at lalong-lalo na kapag wala kang permit upang maglimbag ng libro o anumang babasahin. Ituring parang tao ang isang akda kailangan ng respeto at igalang mo ito at igalang mo kung saan ito nagmula.Magpaalam at huwag kang magnanakaw.
       Bilang isang guro ay marapat lamang na maging modelo tayo sa susunod na mga henerasyon at maging sa ating mga estudyante baling araw.Kapag gumagamit tayo ng mga power point presentation  sa ating pagtalakay ng mga aralin huwag sana ating kakalimutan na ilagay sa hulian ng slide kung saan nanggaling ang impomasyong nakalahad sa mga slide.Maging sa paggawa ng lesson plan ay kailangan ding ilagay kung saan ito nanggaling at kung sino ang awtor nito.Sa ganitong paaraan ay maiiwasan nating ang plagiarism sa ating pangaraw-araw na ting talakayan.Sa mga kwentong ating ibinabahagi ay kailangan ding sabihin kung sino ang awtor nito kung kung kinakailangan ay magbigay ng oras upang talakayin ang talambuhay ng may-akda.Kailangan lang ng may masusuing pag-iingat.  
       Karapatan ng sinuman ang maglimbag ng kanyang akda at karapatan rin niyang ipagdamot at pangalagaan ito. Itinuturing na mayaman tayo sa pag-iisip kayat marapat natin isulat ito sa papel at ilimbag kung itoy ninanais.
       Marami nang mga taong  mataas ang pinagaralan  ngunit ginagawa ang gawaing ito. Kadalasan ngay maroon pang nakaksuhan dahil dito sa kadahilanang mababaw lamang ang alam natin tungkol sa plagiarism at copyright. Ano-ano an gating karapatan at ano-ano an gating limitasyon sa ating paggamit sa mga nalimbag na pag-aari nang iba. Malimit nating sabihin sa ating sarili ang ganito “hindi naman siguro nila malalaman” ngunit ito may may malaking epekto sa ating katauhan.Dahil ditto ay nawawala an gating pagiging malikhain at nagiging paasa na lamang tayo bsa ibang gawa ng tao.
    Marahil ay nagiging dahilan rin ang internet sa hindi responsableng paggamit ng mga akda na walang pahintulot sa awtor. Unag- una may madaling makuha ang sinuman ang nais niyang kuhanin sa impormasyon sa internet. Pangalawa ay walang security measure ang mga impormasyon na nakukuha sa internet. Dapat sa panahong ito ay dapat na higpitan  ang mga website ang limitahan  lamang upang ang  mga akdang nakalimbag ay hindi magamit sa copyright at plagiarism. Dapat na i aknoledge natin ang awtor bilang respeto sa kanyang ginawa at pag-aambag sa ating lipunan.
       Bilang panghuli ay lagi sana nating isaisip na may karapatan ang sinuman na kumuha ng mga akda upang suriin basahin at maging ating gabay ngunit lagi sana nating isaalang –alang na dapat ay magsilbi lamang nating gabay ito o kayay references ay hindi natin ito inaangkin.  

Friday, September 23, 2016

ika 23 ng september
         maraming activity nagfacilitate kami ng program at sumali ng radio drama hinihintay pa nag resulta.

Thursday, September 22, 2016

ika 22 ng september
        aba masaya ang araw ko ngayon hindi kami gaanong napagod hindi kami nagklase eh je je je
practice lang.

Wednesday, September 21, 2016

ika 22 ng september
                         maaga akong nagising sa araw na ito para sa pagpasok sa paaralan
may mag dedemo ngayon na classmate namin.syempre medyo ganado sa pakikinig.Kase mamaya mapapagod nanaman sa pagpra practice.
ika 21 ng september
marlon guillermo
bse filipino
               marami akong ginawa sa araw na ito na talaga namang napagod ako. special mention na jan ang pagsasanay namin ng radio drama para sa byernes.Nagtapos ang araw ng pagod at gusto ng matulog.