Security,
ethics and emerging technologies
Marlon Guillermo
Filipino Major
Sa ating
panahon ngayon ay hindi maikakailang marami na ring pagbabago sa ating mundo
lalong lalo sa teknilohiya na ating ginagamit.Dati ang mga teknolohiya lamang
sa karaniwang tao ay hulo lamang na maituturing ngunit sa panahon ngayon ay isa
na itong pangangailangan. Kaakibat nito ang samutsaring mga masamang dulot ng
mga ito.
Sa
pag-usbong ng teknolohiya ay nakatutulong upang mapagaan ang ating mga gawain ,
sagot na gamut sa mga sakit at marami pang iba. Isa pang kagandahan ng mga ito
ay napapdali an gating pakikipagkomunikasyon sa ating mahal sa buhay na malayo
sa atin.Kaya naman masasabi kong maganda ang naitutulong mga mga ito sa ating
buhay.
Ito lamang
nakaraang halaan may nabaliataan nating na napos ng mga hake rang website ng
Comission on Election at lahat ng impormasyon ay kanilang nakuha maging ang mga
personal na detalye ng mga botante. Ito ay sadyang nakababahala at nakakaalarma
sa kadahilang maaring magamit ito bilang personal na interest. Maaring
pagkakitaan sa gawaing masama.Madaling napasok ng mga haker dahil sa kakulangan
ng seguridad o “security” .Kailangang protektahan ang seguridad ng mga tao ang gobyerno responsibilidad
nilang lagyang ng mahigpit sa seguridad ang kanilang website sa ganitong
pagkakataon.Dahil ditto ay umusbong noong nakaraang halalan at naapektohan ang
kredibilidad ng halalan.Lalo pang nadagdagan nang paliatan ng smartmatik ang
code ng program ng mga makina nila at sinasabing hinak nila ito.Ginawa ng staf
ito ng walang paalam sa COMELEC dahil sa kawalan ng tinatawag na
“security.Dahil nanaman ditto ay naapaktuhan ang moral ng tao o ang tinatawag
nilang ethics.Nagkakaroong ng siraang na sinasabi nilang mandaraya ang
kalaban.Pinapakita lamang na ang ganitong sitwasyon na ang teknolohiya ay hindi
nakakatulong kung minsan sa halip ay nakakasira sa kapwa tao.Oo pat napapadali
ang mga trabaho ngunit maari namang maapektuhan ang asal ng tao.
Marami na
ring napanood sa mga baliata, nabasa sa nga pahayagan at naririnig na ginagamit
ang internet at teknolohiya sa pagpapalaganap ng pornography at ang kakimitang
biktima ay mga bata.Nasisisra ang kanilang kinabukasan at ang kanilang
moralidad bilang tao.Ito ay dahil sa kakulangan ng security sa internet kung
baga ay limitado at Malaya mong gawin ano man ang iyong nais.
Malaya
tayong magpahayag ng damdamin,saloobin at anu mang iyong nais sa pamamagitan ng
teknolohiya at internet bastat hindi natin naapakan ang karapatan ng ibang
tao.Hindi nayuyurakan ang kanilang moralidad at hindi natin nalalabag ang batas
ng tao at batas ng diyos.Maari ring pagkakitaan ang mga makabagong teknolohiya
upang mapabuti ang ating kalagayan sa buhay at upang mapaunlad an gating
ekonomiya sa ating bansa bastat sa mabuting paraan.Gaya na lamang tungkol sa
negosyo at pakikipagtransaksiyon at pwede ring magturo online ngunit lagi
nating isaisip ang mga limitasyon atang hindi natin dapat gawin .
Huwag
sana tayong daragdag sa suliranin n gating bansa sa pagsugpo sa krimen at
makadaragdad tayo ng sakit ng ulo n gating gobyerno.Maraming tao ang may mga
gawaing masama sa pamamagitan ng teknolohiya at internet ngunit sana ay maging
mapagmatyag tayo. Huwag tayong paalipin sa kinang ng pera at sa matatmis nilang
mga salita.Magising tayo sa katotohanan, kung may mga ganitong mga gawaing
nalalaman ay huwag mag-atubiling ibagbigay sa kinauukulan o sa mga awtoridad
upang masugpo agad ang mga ganitong mga gawain ng mga masasamang tao at
mapatawan ng kaukulang parusa.
Sa lawak
ng mundo at sa dami ng gumagamit ng makabagong teknolohiya at masasabing
mahirap kontrolin ang mga tao sa paggamit ngunit magagawa o masusugpo ito sa
simpleng pamamaraan.Halimbawa na lamang sa ating paaralan tulad nating mga guro
ay kaya nating makontrol ang mga estudyante sa paggamit ng teknolohiya sa
pamamagitan ng huwag paggamit ng kanilang mga cellphone kapag nagsimiula na ang
talakasan sa loob ng paaralan.Maging sa simbahan ay maari ring limitahan ang
paggamit ng teknolohiya sa simpleng pagpatay n gating cellphone kapag ang misa
ay nagsimula na.Simpleng mga bagay ngunit malaki ang naitutulong.
Sa
paggamit ng mga teknolohiyang ito ay may masasamang dulot. Gaano nga ba
kaligtas gumamit ng mga teknolohiya. Marami nga tayong nababalitaan ngayon na
mga taong kung tawagin ay mga hacker kayat masasbi kong hindi gaanong kaligtas
ang mga na ginagamit natin lalong lalo na sa pampersonal na mga bagay gaya ng
personal na pagkakakilanlan, bank account at mga maseselang parte ng katawan na
pwedeng gawing pagkakitaan ng mga taong masasama ag loob.
Isa sa
pangunahing naapektuhan ay ang tuntunin ng moralidad ng tao o “ethics” dahil sa
mga masamang dulot ng mga teknolohiya ay nawalan na tayo ng pagpapahalaga sa
dangal, moralidad, paggalang at mabubuting mga asal. Ng dahil dito ay maraming
tao ang nag-aaway at hindi nagkakaunawaan.
Kayat sa
atin na kapwa ko gumagamit ng social media at ibat-ibang teknolohiya hindi
masama ang paggamit nito bastat hindi natin ito inaabuso at ginagamit sa maling
pamamaraan.Gamitin sana ito sa ikauunlad ng ating bansa.
Maganda ang dulot ng mga teknolohiya kung ito ay
ginagamit ng tama sa pag-aaral, pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon sa
business at ibat ibang mabubuting dulot ng mga ito.Ang moralidad ng tao ay
isang mahalagang sangkap sa paghubog ng isang tao kayat kanyang karapatan na
ito ay alagaan at ipagtanggol sa sinumang umaabuso at lumalabag sa kanyang
karapatan.
No comments:
Post a Comment